Martes, Agosto 9, 2016

Sunog Sa Cagayan De Oro City

     
         Ako ay si vicky tortosa,,18 na ako nakatira dito sa cagayan de oro city..may dalawang anak nga babae at napakabait na asawa, simple lang ang aming pamumuhay,,may maliit na business at nagtratrabaho ang aking asawa at napakabait ang kanyang mga amo..masaya ako sa aking business kahit maliit lang kita ,at least nakakatulungan sa gastuhin sa bahay,,dahil sa aming pagsisikap, nakatayo kami ng bahay ,at nakabili ng mga gamit ,,nakabili ng anim na computers para pisonet.

       February 14 2016, araw ng linggo.9am ng umaga. Ako at ang aking asawa nagtutulungan sa paglilinis ng aming bahay..nililinis ng aking asawa ang aming kisame ng aming bahay ,habang ako naglalaba ng mga kurtina,,yung bunso namin naglalaro sa labas sa kasama ang kanyang mga kalaro..at yung panganay ko ay nagsisimba sa kabataan..
       
       Habang abala sa paglilinis ng bahay ,,may sigaw kaming naririnig ,SUNOG! SUNOG!,, at ang lahat ng mga tao ay nagtatakbuhan ,,kanya-kanyang bitbit ng kani-kanilang mga gamit ..hindi ko alam..kung ano ang aking gagawin ,kung ano ang una kong bubuhatin,,parang natulala ako,, natauhan ako ng sinabi ng akong asawa ,,kunin mo ang celphon ,pera ,,at hawakan ang aking bunso..malapit lang ang sunog ,,kaya yung asawa ko sinimulang tanggalin ang mga wires ng aming pisonet ,,sabi ng aking asawa ,masave lang yung buhay namin at yung mga computers ,,ok na daw ,,..kaya binuhat naming isa isa ang aming computers at aking bunso ang aming ginawang guwardya sa computers na aming nabuhat ..nasave namin ang aming computers ,pero ang lahat ng aming gamit ,sunog ,,okey na din yun ,ligtas naman kami.

       Ang hirap pala kung masunugan ,,isang linggo kaming nakatira sa covert court. ,,natutulog sa semento..kaya ,nakadecide kami ng aking asawa ,tatayo uli ng bahay ,,kahit bahay-kubo ,huwag lang sa covert court,,kaya heto ,,bahay-kubo nalang kami ,,pero nagpapasalamat parin kami ,,hindi kami pinabayaan ng DIYOS ,,,,HE is always guide us ,and protect us ,,and also bless us ,,kahit bahay-kubo.
basta kompleto ,,,THANKS GOD ,,

      AS LONG AS WE ARE LIVING ,THERE IS STILL HOPE ..